Add parallel Print Page Options

Imulat mo ang iyong mata sa palibot, at ikaw ay tumingin: silang lahat ay nangagpipisan, (A)sila'y nagsiparoon sa iyo: ang iyong mga anak na lalake ay mangagmumula sa malayo at ang iyong mga anak na babae ay kakalungin.

Kung magkagayon ikaw ay makakakita at maliliwanagan ka, at ang iyong puso ay titibok at lalaki; sapagka't (B)ang kasaganaan ng dagat ay mababalik sa iyo, ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa iyo.

Tatakpan ka ng karamihan ng kamelyo, ng mga dromedario sa Madian at sa (C)Epha; magsisipanggaling na lahat mula sa Seba: mangagdadala ng (D)ginto at kamangyan, at magtatanyag ng mga kapurihan ng Panginoon.

Read full chapter